Abante Tonite Interactive

Paglago ng yaman, isang palaisipan

0 512

Arnold Clavio

Nanindigan ang pamilya Duterte na wala silang itinatago kaugnay ng paglago ng kanilang yaman, batay sa kanilang idineklarang Statement of Assets and Liabilities Networth (SAL-N).

Related Posts

Matapos na isapubliko ng Philippine Center of Investigative Journalism (PCIJ) ang kanilang pagbusisi sa yaman ng First Family.

Sa kasalukuyan, di malinaw ang dahilan ng paglago ng yaman ng mga Duterte at hinamon na lamang ng Malakanyang ang PCIJ na maghain na lamang ng reklamo.

Kahit Ayaw Mo Na
This Band
Kahit ikaw ay ma­galit
Mukha mo’y susu­ngit
At mapapa-lintik!
Kahit na yaman ay nagbago na
Sagot mo’y ano na ba?
Bakit ayaw mo nga ?
Kukunot, kukurap,
Sisigaw ng mara­ming ‘NA MO’!
Iisipin na lang pana­ginip lahat ng ito
O, bakit ba kailangan kang mainis?
Pakiusap lang na wag mo nang ilihis
Tayo’y mag-usap, teka lang, ‘wag kang magmura!
‘Wag kang magkaso, aayusin natin ‘to…
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?
Galit nang galit, lagi na lang galit!
Layo nang layo, sagot lumalayo?
Labo nang labo, ika’y malabo
Malabo, lalong malabo
Bumalik, mga sulat ay bumabalik,
Pagtanggi ngayon ay mabilis…
Ang banta’y mahigpit
Ang hirap ‘pag… nasilip ang biglang mong yaman ..
Kung ako ba ay pagbibigyan..
O nalilito lang kung saan
Kukunot, kukurap,
Sisigaw ng mara­ming ‘NA MO’!
Iisipin na lang pa­naginip lahat ng ito
O, bakit ba kailangan kang mainis?
Pakiusap lang na wag mo nang ilihis
Tayo’y mag usap, teka lang, wag kang magmura!
‘Wag kang magkaso, aayusin natin ‘to…
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?
Galit nang galit, lagi na lang galit!
Layo nang layo, sagot lumalayo?
Labo nang labo, ika’y malabo
Malabo, lalong malabo
O, bakit ba kailangan kang mainis?
Pakiusap lang na wag mo nang ilihis
Tayo’y mag usap, teka lang, wag kang magmura!
‘Wag kang magkaso, aayusin natin ‘to…
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?
Kahit ikaw ay ma­galit,
Yama’y sisilipin
Kahit ayaw mo na.