Abante Tonite Interactive

Paglalaro ng video games, nakakataba pala!

By
105

Alam kong makaka-relate ang mga magulang sa isyu ng pag­lalaro ng video games. Hindi maikakailang hirap silang sawayin ang mga anak na tutok na tutok naman sa ­vi­deo ­gaming.

Kung minsan nga, kinakapos na ng oras sa pag-aaral dahil sa paglalaro ng compu­ter at ibang electro­nic gadgets.

Totoo rin namang may pag-aaral na nagsasabing nakatutulong ang video games sa pagdevelop ng hand-eye coordination, problem solving skills at ability to process information ng isang bata.

Abante Hiring – IT dep

Pero sa isang online article na “Kids­Health”, inisa-isa ang mga masamang epekto nito sa kalusugan.

Dahil laging nasa loob ng bahay at tutok sa computer games, nawawalan ng oras ang batang makipaglaro at mag-exercise sa ­labas. Ang batang walang ehersisyo o ni hindi man lang pinapawisan, siguradong magiging overweight. Ang tendency kasi – kakain sila ng junk foods habang naglalaro ng computer games.

May epekto rin ito sa social at mental ability ng mga bata. Nababawasan ang tsansang makisalamuha sila sa kapwa. Malamang din na maapektuhan nito ang academic standing sa klase. Nagiging mas agresibo rin ang mga batang exposed sa violent video games.

Ang good news, ayon sa mga medical expert, puwede pa rin naman daw gumamit ng computer at iba pang electronic gadgets ang mga bata basta tiyakin lang na hindi hihigit sa dalawang oras kada araw. Pumili rin ng vi­deo games na angkop sa edad ng mga bata – walang sexual at violent acts.

Ang sa akin lang, ‘too much of anything is just too much’. Bilang mga magulang at mas nakatatanda, gaba­yan natin ang mga bata sa paglalaro ng video games para manatili pa rin silang fit at healthy.