Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paglalaro online, masama sa kalusugan?

0 49

Marami ang makaka-relate rito. Mula nang i-lockdown ang malaking bahagi ng bansa, mas maraming nahumaling sa online games. Pastime para sa iba.

Pero sa ilan, ginawa na itong source of income. Nagla-live stream sila kung saan marami ang nanunuod at nakiki-join sa kanyang laro online.

Alam kong hirap ang ilang magulang sa isyu ng paglalaro ng video games. Hindi maikakailang hirap silang sawayin ang mga anak na tutuk na tutok naman sa video gaming. Kung minsan nga, kinakapos na ng oras sa pag-aaral dahil sa paglalaro ng computer at ibang electronic gadgets.

May pag-aaral sa Amerika na nagsasabing nakatutulong ang video games sa pagdevelop ng hand-eye coordination. Talaga namang mate-test nito ang bilis ng iyong mga mata at kilos ng mga kamay. Pati problem solving skills mo, mahahasa. Natututo rin ang mga bata na iproseso nang mabilis sa kanilang isip ang mga impormasyon na hatid ng video games.

Pero sa isang online article na “KidsHealth’, inisa-isa ang mga masamang epekto nito sa kalusugan.

Dahil tutok sa computer games, nawawalan ng oras ang batang mag-exercise o maglaro ng ibang bagay. Ang batang walang ehersisyo o ni hindi man lang pinapawisan, siguradong magiging overweight. Ang tendency kasi – kakain sila ng junk foods habang naglalaro ng computer games.

May epekto rin ito sa social at mental ability ng mga bata. Nababawasan ang tsansang makisalamuha sila sa kapwa. Malamang din na maapektuhan nito ang academic standing sa klase. Nagiging mas agresibo rin ang mga batang exposed sa violent video games.

Ang good news, ayon sa mga medical expert, puwede pa rin naman daw gumamit ng computer at iba pang electronic gadgets ang mga bata basta tiyakin lang na hindi hihigit sa dalawang oras kada araw. Pumili rin ng video games na angkop sa edad ng mga bata – walang sexual at violent acts.

Ang sa akin lang, dapat in moderation ang lahat ng baya. Ika nga, ‘too much of anything is just too much’. Bilang mga magulang at mas nakatatanda, gabayan natin ang mga bata sa paglalaro ng video games para manatili pa rin silang fit at healthy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.