Abante Tonite Interactive

Paglilitis sa Maguindanao massacre tapos na

732

Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Acting Prose­cutor Richard Anthony Fadullon na tapos na ang paglilitis sa Maguindanao massacre case kung saan 58 katao ang nasawi kabilang ang 32 mamamahayag.

Inaasahan aniya na magpapalabas na ng desisyon ang sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 22 laban kay Andal ‘Datu Unsay’ Ampatuan Jr. at iba pang akusado sa masaker.

“Per information from our prosecution panel, the case against Unsay is now submitted for decision upon ruling of the court on his formal offer of exhibits,” ayon kay Fadullon.

Sinabi ni Fadullon na inaasahang bago matapos ang taon ay itatakda na ang promulgasyon ng kaso.

Sa Biyernes, Nobyembre 23, ang ika-siyam na anibersaryo ng Maguinda­nao massacre.