Abante Tonite Interactive

Paglobo ng Intsik sa ‘Pinas ikinaalarma

0 221

Nagpahayag si Sen. Grace Poe ng ­labis na pagkabahala sa pagdami ng hindi dokumentadong Intsik o Tsino na nagtatrabaho sa Pilipinas dahil tila mawawalan ng trabaho ang mga Pilipino.

Giit ng senadora, hindi dapat pumasok ng bansa ang mga nasabing dayuhan sa pamamagitan ng pagkukunwari bilang turista ngunit magtatrabaho naman pala. Aniya, dapat mas ma­ging mahigpit ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) sa visa issuance.

Saad pa ni Poe, ilang Intsik ang gumagamit ng iligal na pasaporte ng Pilipinas para lamang makapagtrabaho sa bansa.

“Ayaw kong mga Pilipino ang nawawalan ng trabaho at kailangang mangibang-bansa pa,” pahayag ni Poe.

Ayon kay Atty. Homer Arellano, pinuno ng prosecution and legal assistance section ng Immigration bureau, may ilan lamang aniyang pagkakataon na may nahuling Chinese nationals na gumagamit ng illegal Philippine passport.

Ayon naman sa DOLE, ilan sa mga pumapasok na Chinese citizens sa bansa ay mga turista ngunit nakakakuha ng special working permit para makapagtrabaho.

Wala namang tala ang Philippine Amusement and Gaming Corp. sa dami ng Chinese nationals na nagtatrabaho sa online gaming.