Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paglobo ng investment scam sa Cebu binabala

0 294

Nagbabala ang mga awtoridad sa Cebu sa paglobo ng investment scam sa gitna ng dinaranas ngayong pandemya.

Ito ay base na rin sa nakalap na ulat mula sa Securities and Exchange Commission – Cebu Extension Office (SEC-Cebu) kung saan sumirit na sa 400 porsiyento ang nagaganap na bilang ng fraudulent entities at ng scam sa loob ng 10-buwan ngayong taon. Mataas anila ito kumpara noong nakaraang taon.

“From January to October 2020, the commission identified over 200 fraudulent individuals or entities and had released advisories about the matter on their official website. There is a 400 percent increase of fraudulent entities this year as compared to 2019,” saad ng nasabing ahensya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.