Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagluwag sa galaw ng mga bakunado pinoporma na

0 38

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maaaring maipatupad ang panukalang luwagan ang health at safety protocol para sa mga indibiduwal na bakunado na kontra COVID-19 sa ilang bahagi ng bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na ang ‘temporary vaccine bubble’ ay kabilang sa mga tinalakay ng technical working group (TWG) sa pulong na isinagawa nila kamakalawa.

“Mayroon na pong rekomendasyon at siguro mas maganda pong paaprubahan natin sa IATF (Inter-Agency Task Force) principals `yong ating rekomendasyon bago magkaroon ng final announcement, kung papayagan o hindi pansamantala ang vaccine bubble,” ani Densing.

SM food to go Banner Ad

Nauna rito, ilang sektor ang humikayat sa pamahalaan para lumikha ng `vaccine bubble’ o hiwalay na transportation, dining at iba pang outdoor system para sa mga indibidwal na ganap nang bakunado laban sa COVID upang umangat ang ekonomiya.

“Isa lang ang sigurado natin diyan: matutupad po ito, mangyayari po iyan,” dagdag ni Densing. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.