Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagluwag sa quarantine inawat ng mga doktor

0 208

Nakiusap ang Philippine College of Physicians (PCP) nitong Linggo sa gobyerno at maging sa publiko na huwag munang madaliin ang pagpapaluwag ng quarantine at health protocol.

Ayon sa PCP, mabagal pa ang pagbabakuna sa bansa kaya hindi pa dapat paluwagin ang quarantine.

“Sana ho huwag muna masyadong magmadali. Maging pasensiyoso muna. Akala nila `pag nabakunahan na, okay na,” wika ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng PCP.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Napakababa pa ng vaccination rate ng Pilipinas. Wala pa tayo sa halos 10%. Sana huwag tayo magmadali, ituloy pa rin natin ang ating protocols. Meron pa ring face mask at face shield, na nagbibigay ng additional protection,” dagdag pa ni Limpin.

Nanawagan din ang PCP sa mga senior citizen na nais na umanong makalabas ng bahay matapos maturukan kontra COVID-19.

“Sana ang ating senior citizens, konting pasensiya pa po dahil marami pa rin ang hindi nababakunahan. Sila ang puwedeng mahawaan,” ayon pa kay Limpin. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.