Abante Tonite Interactive

Pagmamahalang nagwakas sa malagim na kamatayan

187

Namataan din aniya niya ang anak ni Von Moraleja na si Kristoffer na nakasuot ng itim na jacket at nakatayo sa tapat ng kanilang bintana na mistulang nagu-usyoso lang.

Hindi pa aniya niya alam na suspek si Kristoffer sa pamamaslang at nalaman na lamang niya nang lumabas na siya sa kanilang bahay dahil iyon ang usap-usapan sa kanilang lugar. Gayunman, hindi na aniya niya nakita si Kristoffer matapos madala sa pagamutan ang biktima.

Nagbigay din ng kanyang sinumpaang pahayag ang 44-anyos na tricycle driver na si Michael Mendoza na nagsugod kay Myka sa pagamutan kay PO2 Arcinue at binanggit niya ang mga narinig na usapan na ang anak ni Barangay Ex-O Von Moraleja na si Kristoffer ang sumaksak at nakapatay sa babaeng biktima.

Sa pahayag naman sa pulisya ng 45-anyos na ama ng biktima na si Alberto Gutierrez, sinabi aniya sa kanya ng isa sa mga kasamahan ni Myka sa kanyang trabaho sa travel agency sa Makati city na sinundo pa ni Kristoffer ang kanyang anak bago nangyari ang pagpaslang.

Ang nauna namang sinabi barangay Ex-O Von Moraleja na magbibigay din siya ng pahayag sa pulisya, kasama ang anak na si Kristoffer, ay hindi nangyari kaya’t naglunsad na ng malawakang pag-TUGIS ang pulisya laban sa suspek.

Gayunman, noong Pebrero 4, 2011, nakatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng text si Chief Insp Raymund Liguden, ang bagong upong hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) na siyang pumalit kay Chief Insp. Joey Goforth na isusuko niya ang kanyang anak ng Pebrero 7 kay Pasay City Mayor Tony Calixto.

Naghintay naman ang pulisya sa sinasabing pagsuko ni Von Moraleja sa kanyang anak subalit hanggang hatinggabi ng Pebrero 7 ay hindi dumating city hall o sa headquarters ng pulisya ang mag-ama.

Dahil dito, iniutos na ni Chief Insp. Liguden kina PO3 Geraldino at PO2 Arcinue ang pagsasampa ng kasong murder laban kay Kristoffer Von Moraleja noong Pebrero 9 ng umaga sa Pasay City Prosecutor’s Office at kabilang sa mga isinumite nila sa piskalya ang sinumpaang salaysay ng ama ng biktima na si Alberto Gutierrez, mga testigong sina Apolinario La Torre, Jr. Fred Mari, Sherwin Ray Fontanilla at Michael Mendoza.