Abante Tonite Interactive

Pagmamahalang nagwakas sa malagim na kamatayan

0 472

Nang tanungin ng mga imbestigador si Von Moraleja kung ano ang nangyari, sinabi umano nito ang katagang “Nasaksak ng anak ko, hindi ko alam kung bakit nagawa ng anak ko”.na ang tinutukoy ay ang 19-anyos niyang anak na si Kristoffer na kasintahan ng napaslang na biktima.

Mula sa naturang pagamutan ay sinamahan pa ni Von Moraleja ang mga imbestigador patungo sa kanilang bahay upang magsagawa pa ng karagdagang pagsisiyasat, kasama ang mga barangay tanod.

Pagsapit sa lugar na pinangyarihan ng krimen ng pasado alas-8 ng gabi, napansin nina Arcinue at Geraldino na magulong-magulo ang loob ng bahay, may bakas ng dugo sa sahig hanggang sa malapit sa pintuan, pati na ang handbag na pambabae na hindi muna nila ginalaw hangga’t walang dumarating na mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Dakong alas-9:30 ng gabi nang dumating ang mga tauhan ng SOCO sa pangunguna ni Insp. Merlyn Mondia at habang pino-proseso ang lugar na pinangyarihan ng krimen, nakita sa loob ng nakakalat na handbag ang school ID card ni Myka.

Nang tanungin ng mga tauhan ng SOCO si Von Moraleja kung sino ang sumaksak sa biktima, sinabi rin nito ang una niyang ipinahayag sa mga imbestigador na kumikilala sa kanyang anak bilang suspek bagama’t hindi niya alam kung nasaan si Kristoffer.

Nangako rin si Von Moraleja sa mga imbestigador ng kahandaan na magbigay ng kaukulang pahayag kaugnay sa krimen kapag nakita na niya ang kanyang anak na si Kristoffer.

Nang magbalik sa headquarters ang mga pulis, sumama sa kanila ang dalawang barangay tanod na sin Mari at La Torre upang magbigay ng sinumpaan nilang salaysay sa pulisya na gagamitin sa isasampang kaso laban kay Kristoffer.

Naunang nagbigay ng kanyang malaya at sinumpaang salaysay ang 36-anyos na si Apolinario La Torre, Jr. dakong alas-11:25 na ng gabi ng Pebrero 1, 2011 upang patunayan ang una niyang pahayag sa narinig niyang usapan ng kanilang barangay Ex-O at dalawang anak na sina Kristian at Jelo nang magtungo ang dalawa sa barangay hall.