Abante Tonite Interactive

Pagmamalaki na lang sa Blackwater vs Phoenix

118

Pride na lang ng Phoenix Pulse at Blackwater ang nakataya sa huling laro ng dalawa sa PBA Governors Cup.

First game sa Smart Araneta Coliseum ang Fuel Masters at Elite mamayang 4:30 pm, bago ang bakbakan ng Ginebra at Columbian sa 7:00 pm.

‘Di nakaporma sa umpisa pa lang ng season-ending tournament ang Phoenix at Blackwater, tapos ang 10 games ay magkabuhol sa ilalim sa 2-8 baraha.

Makakaiwas ang mananalo sa dead-last finish.

“We would still try to go for that win,” giit ni coach Louie Alas ng Phoenix.

“Siyempre, it would be nice to end your campaign on a winning note at isa pa, we owe it to our fans and management to still give our best kahit last game na namin ito for the year.”

Nitong Miyerkoles ay sadsad sa pang-apat na sunod ang Fuel Masters nang matuyuan sa Alaska 105-102.

Ganito rin ang misyon ng Elite.

“We would still give it our best effort,” paniniguro ni coach Aris Dimaunahan.

Mas maagang nag-exit ang Blackwater nang malimahang sunod na talo, huli 99-96 sa overtime kontra San Miguel Beer noong Nov. 6.

“It would have been nice if we were playing for the quarterfinals pero we will still treat this as a playoff game para na rin sa future,” wakas ng tactician. (VE)