Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagnanakaw motibo sa Caloocan massacre: 3 suspek bangag

0 250

Malaki ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo sa nangyaring masaker sa Caloocan City.

Ito ang nasambit ni Ronelio Casino, kamag-anak nina Arjay Belencio, 22, estudyante; pinsan nitong si Glydyl Belonio, 23, nursing graduate, na pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa loob ng pinapagawang bahay ng magpinsan sa Catmon Street, Phase 1, Amparo Subd., Barangay 179 Caloocan City, kasama ang isa pang nursing graduate na si Mona Ismael, 22.

Sabi pa ni Casino, mga sabog sa bawal na gamot ang mga salarin dahil hindi gawain ng normal ang pag-iisip ang estilo ng karumal-dumal na pagpatay.

SM food to go Banner Ad

Magkatabi sa kama nang mabungaran ang bangkay nina Ismael at Belonio habang nasa hiwalay na kama si Belancio na tadtad din ng saksak.

Sabi ni Amparo Police Commander P/Captain Johnsen Ticlao, dalawa hanggang tatlo ang salarin. Kitchen knife at ice pick ang ginamit ng mga ito sa pagpatay.

Wala ring palatandaan na nagkaroon ng forcible entry ang mga salarin.

Inaalam na kung may CCTV sa nasabing subdibisyon para makatulong sa paglutas ng kaso at makilala ang mga salarin. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.