Abante Tonite Interactive

Pagnanasa sa kaibigan

0 201

Dear Dream Catcher,

Napanaginip kong ka­yakap ko ang kaibigan kong babae at parang senswal daw ang dating na parang mag-jowa kami. Sa panaginip ko, ang friend ko ang nag-initiate ng yakapan at hawakan kaya parang awkward ang da­ting sa akin. Nang med­yo nagiging mas agresibo na ang paghawak sa akin ng friend ko ay nagising na ako. At sa buong araw, parang bothered ako sa napanaginip ko? Ibig sabihin ba nu’n ay puwedeng ­lesbian ako?

Aiza

Ikaw lamang ang makakasagot ng iyong katanungan. Ang pagkuwestyon sa ating sekswali­dad ay nakakatakot. Pero hindi naman dahil nagkaroon ka ng ganitong pana­ginip ay lesbian ka na o isang homosekswal.

Hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay may ibig sabihin ang panaginip. Madalas epekto lamang ito ng ating napapanood o nakikita o nababasa lalo na ngayong napakalawak na ng epekto ng social media sa lahat, mula matanda hanggang bata.

Related Posts

Ang iyong panaginip ay maaaring dala lamang ng pagiging close mo at ng iyong kaibigan. At dahil komportable na kayo sa isa’t isa, minsan hanggang sa panaginip ay siya pa rin ang iyong nakakasama. Hindi rin ito nanga­ngahulugan na may gusto ka o may pagnanasa ka sa iyong kaibigan.

Pero kung matindi ang epekto sa iyo ng panagi­nip mo, posibleng meron ka ngang dapat pag-isipan. Puwede rin namang gusto mo lamang mag-explore sa iyong sexuality pero hindi ito nangangahulugang tomboy ka nga. Pero dito’y ikaw lamang ang tanging makakatulong sa iyong sarili.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pa­naginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispi­ritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.