Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Casimero: Pagong ka Inoue!

0 141

Pagkawagi para madepensahan ang kanyang World Boxing Organization (WBO) world bantamweight championship, agad pinatutsadahan ni John Riel Casimero si ‘Japanese monster’ Naoya Inoue.

“Inoue, you’re no monster. You’re a Japanese turtle,” bulalas ng 36 na taong-gulang, may taas na 5-4 at isinilang sa Ormoc na Pinoy boxer sa hinamong Hapones matagumpay na sa unang title defense sa pagdemolis kay Duke Micah ng Ghana nitong Sabado sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“No monster… Inoue is scared. You’re next,” hirit pa ni Casimero tapos nang mabilisang third round technical knockout win sa Ghanian na wala ng depensa kaya itinigil ng referee ang laban sa pagkalamog nito at nahirapang bumaba ng ring.

Sulit ang pitong buwang pagkatennga ni Casimero sa Estados Unidos sa magarang binyag sa kanya sa TV doon makaraang mapagpaliban ang sagupaan nila ng Hapones dahil sa Covid-19. Bumilib din ang mga miron sa kanya nang mag-push up gamit lang ang isang kamay bago ang awarding ceremony. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.