Abante Tonite Interactive

Pagpapalago ng kabuhayan sa probinsya itutulak ni Grace Poe

258

Nangako si Senadora Grace Poe na magtutulak ito ng mas maraming batas na siyang magpapabuti sa kapakanan at kabuhayan ng mga Pilipinong naninirahan sa mga probinsya.

Ito ang binitawang pahayag ni Poe sa pagbisita nito sa probinsya ng Batangas kasama ang suporta ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, asawa ng Gobernadorang si Vilma Santos-Recto.

“Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ang lehislatura, magsusulong tayo ng mga batas, polisiya at programang magpapayaman sa buhay ng mga Batangueño at iba pang kababayan natin sa mga lalawigan,” sabi ni Poe.

Mula Batangas, nagtungo si Poe sa Calapan, ­Oriental Mindoro para daluhan ang inagurasyon ng Barangay Pachoca Multi-Purpose Building.