Abante Tonite Interactive

Pagpapalakas ng defense system isinulong

By
1,704

Isinulong ni Senador Panfilo Lacson ang pagpapalakas pa ng sistema at kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para labanan ang patuloy na terorismo sa bansa.

Sa kanyang Senate Bill 1734, iginiit ni Lacson na layon nito na gawing mas epektibo ang mga sistemang ginagamit ng gob­yerno para mapalakas ang defense system ng bansa.

“This bill is envisioned to update national defense policies, principles and concepts, to institutiona­lize needed improvements and to codify various laws on national defense, the AFP and the civilian bureaus, with the end in view of streamlining and further professionalizing our country’s defense establishment,” saad ni Lacson.

Ilan lamang sa mga probisyon ng panukala ay ang pagsasaayos pa sa procurement system ng Department of National Defense (DND), AFP at iba pang sangay ng pamahalaan na ugnay sa pagtatanggol sa bansa laban sa terorismo at karahasan.

Nakasaad din dito ang probisyon na nagbaba­wal sa gobyerno na ipagbili o ibenta ang mga istratehikong lupain na pag-aari ng pamahalaan, maliban lamang kung aprubado ng Presidente, kalihim ng DND at may basbas ng Kongreso.

Mas hihigpitan pa sa panukala ang panga­ngasiwa sa mga upa sa mga lupain at istrukturang pagmamay-ari ng pamahalaan at dapat na ipasok lamang sa AFP Modernization Act Trust Fund.

Hindi na rin kaila­ngang sumailalim sa Government Procurement Law ang mga maseselang kagamitan at istrukturang pandepensa ng bansa.

Nilalaman din ng panu­kala na maaaring tumanggap ng donasyon o tulong na mga kagamitan buhat sa ibang bansa ang DND pero ito ay nakabatay sa mga umiiral na batas.