Abante Tonite Interactive

Pagpapalaya sa tapos na ang sintensya, ipapasko

By
12

Bilang aguinaldo ngayong Kapaskuhan, hini­mok ni Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza si Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magkaroon ng imbentaryo ng mga bilanggo na maaari nang mapalaya dahil napagsilbihan na ang kanilang sintensya.

Ayon kay Atienza, dahil sa kabagalan ng justice system sa bansa at walang abogadong nagpa-follow up ng kanilang kaso ay maraming bilanggo ang pwede na sanang makalaya pero hindi naisasaayos ang kanilang dokumento.

“This is one of the reasons why we are absolutely against the death penalty. Because of our defective and disjointed criminal justice system, only the poor who cannot afford lawyers, will be sentenced to death. While the moneyed criminals buy their way through the corruption network and go scot-free,” pahayag ni Atienza.

Iginiit ng mambabatas na hindi lamang poli­tical detainees ang dapat na tutukan ng gobyerno bagkus lalo na ang mga preso na nasa masamang kondisyon sa mga kulungan.

“Many inmates who were supposed to serve short sentences end up being imprisoned for extended periods. This is contrary to what our Constitution guarantees. This is a classic case of justice delayed is justice denied,” dagdag pa ni Atienza.