Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagpapalayas sa aktibistang Dutch, ni-like ng BI

0 101

Ibinasura ng Bureau of Immigration (BI) ang apela ng isang Dutch national sa pagkakansela ng kanyang residence visa.

Sa inilabas na order noong Pebrero 26, ibinasura ng 3-man BI Board of Commissioners (BIBOC) ang kahilingan ni Otto Rudolf De Vries na baligtarin ang hatol sa pagkansela ng kanyang permanent residence visa.

Sa inihaing motion for reconsideration noong Pebrero 8, sinabi niya na ang kautusan ng BIBOC ay walang valid at ligal na dahilan. Gayunpaman, ang kanyang apela ay ibinasura dahil sa kabiguang magbigay ng katibayan upang baligtarin ang nasabing desisyon.

Noong Nobyembre, ay kinansela ng BI ang kanyang visa, kasunod ng impormasyon mula sa mga government intelligence sources na aktibo itong sumama sa mga kilos protesta sa bansa.

Ang dayuhan ay iniulat na nasa bansa mula Setyembre 2019, at nakita siya sa mga rally sa Mendiola, at Pasig at iba pang pag-aaklas. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.