Abante Tonite Interactive

Pagpapalit-anyo ni Alden, astig

By
1,109
tonite-this-is-it-roldan-castroKung pagiging pulido lang din naman ng mga effect ang pag-uusapan, hindi na puwedeng itanggi na Victor Magtanggol talaga ang angat sa mga seryeng napapanood sa primetime ngayon.
Bukod kasi sa mabusi­sing anggulo ng mga eksena, talagang nakakabilib ang serye ng Kapuso Network. Maipagmamalaki ang gawang Pinoy at hindi binigo ni Direk Dominic Zapata ang mga manonood dahil tinupad niya ang pangakong papantay ito sa standards ng mga viewer ngayon.
Hindi basta-basta ang naging pagpapalit ng costume ni Alden mula pagiging Victor Magtanggol sa pagiging Hammerman. Naka-focus ang camera sa paglabas ng armor ni Hammerman, pati mga hibla ng tela na kumakapit sa katawan ni Victor, pinakita ng serye.
Sa pagpapalit anyo ng bida natin, siguradong iba’t ibang effect pa ang ipamamalas ng show. Dapat aba­ngan kung anong mga susunod na mangyayari kay Victor, at kung ano ang naghihintay sa kanya sa pagiging si Hammerman!

Anim na special feature film tampok sa PPP 2018

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng Sandaang Taon ng Philippine Cinema ngayon buwan ng Agosto, ipinakilala ng Film Development Council of the Phi­lippines (FDCP) ang anim na pinarangalan na mahuhusay na independent film na kabilang sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 Special Feature Section sa press launch nitong Agosto 1, 2018 sa Lungsod ng Quezon.
Binuksan ng FDCP ang PPP Special Feature Section para sa mga katangi-tanging independent film na nagkamit ng pagkilala sa mga malalaking independent film festival sa bansa. Ang mga ito ay ang Balanginga: Howling Wilderness ni Khavn (QCinema207), Gusto Kita with all my Hypothalamus direc­ted by Dwein Baltazar (Cine Filipino), High Tide directed by Tara Illenberger (ToFarm 2017), Kikko Boksingero ni Thop Nazareno, (Cinemalaya 2017), Paki ni Gian Carlo Abrahan (Cinemaone Originals 2017) at Tu Pug Imatuy dinirehe ni Arnel Barbarona (Sinag Manynila 2017) ay ipapalabas lahat sa piling sinehan nationwide simula Agosto 15- 21, 2018 kasama ang PPP main entry.
Ipapalabas ang Special Feature Section ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 mula Agosto 15- 21
“Kinagagalak at ‘pinagmamalaki namin na ang anim na pelikulang ito ay kasamang ipapalabas sa PPP na karapat-dapat mapanood at ma-appreciate ng mas malawak na audience”, ani FDCP Chairperson Liza Diño.

Charlene nakakabighani

Ipinagmamalaki si Charlene Duran ng Calamba City, 3rd runner up siya ng Miss Global Philippines. Nakakabighani ang alindog.
Gusto ni Charlene na maging kinatawan ang Pilipinas upang maipakita sa buong mundo ang kabutihan ng mga Filipino, kagandahan ng mga lugar at kultura. Sa pamamagitan ng beauty contest ay nabibigyan siya ng pagkakataon na maimpluwensiyahan ang puso at isip ng mga Filipino. Ang kanyang adbokasiya ay matulungan ang bansa na makamtan ang maayos na seguridad sa pagkain sa pamamagitan ang pagpapalaganap ng kahalagahan ng agrikultura.