Abante Tonite Interactive

Pagpapalit ng apelyido

314

Dear Atty. Claire,

Gusto ko lang sana magtanong tungkol sa apelyido ko.

Sa ngayon po ang ginagamit kong apelyido ay iyong kinagisnan ko na.

Hanggang sa lumabas sa record ko sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang nakalagay na apelyido ko ay sa ­aking ina pala.

Puwede pa ba maayos namin ito? Patay na ang tatay ko tapos kasal po siya sa unang asawa at pinakasalan din niya ang nanay ko.

Maraming salamat po.
Gina

Dear Ms. Gina,

Ayon sa kuwento mo ay isa kang illegitimate child at ayon sa Article 176 ng ating Family Code ay ang apelyido ng nanay ang siyang gagamitin ng isang ­illegitimate child.

Ngunit dahil may bagong batas na ­ipinatutupad sa ngayon at ito ay ang Republic Act No. 9255 ay maaa­ring magamit ng isang illegitimate child ang apelyido ng kanyang ama kung siya ay kinilala nito bilang anak.

Ito ang isinasaad ng RA 9255:
Rule 8. Effects of ­Recognition

8.1 As a rule, an ­illegitimate child not acknowledged by the father shall use the surname of the mother.

8.2 Illegitimate child acknowledged by the father shall use the surname of the mother if no AUSF is executed.

8.3 An illegitimate child aged 0-6 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father, if the mother or the guardian, in the absence of the mother, executes the AUSF.

8.4 An illegitimate child aged 7 to 17 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father if the child executes an AUSF fully aware of its consequence as attested by the mother or guardian.

8.5 Upon reaching the age of majority, an illegitimate child acknowledged by the father shall use the surname of his father provided that he executes an AUSF without need of any attestation.

Kung kinilala ka ng iyong ama noong siya’y nabubuhay pa, mabibigyan ka ng pagkakataon na magamit ang kanyang apelyido.

Kung wala siyang ginawang affidavit para gamitin mo ang kanyang apelyido pero may mga private handwritten ins­trument o mga sulat at ibang dokumento na kinilala ka niya tulad ng kanyang pagpirma sa iyong school card, baptismal certificate at mga pribadong sulat na kinikilala ka niyang anak.

Pumunta ka sa Local Civil Registrar’s Office (LCRO) at makipag-ugnayan sa kanila na nais mong maipatala o mapa-annotate sa iyong birth certificate ang nais na paggamit ng apelyido ng iyong ama at susuriin nila kung ikaw ay qualified upang magamit ang benepisyo ng RA 9255 o kung kakailanganing magsampa ng petisyon sa korte.

Malalaman ng LCRO kung saan nakatala ang birth record mo kung ang pagsasampa mo ng Application to Use the Surname of the Father ay within the period specified o kung hindi na covered pa ang iyong sitwasyon.

Dalhin mo ang birth certificate mo upang malaman nila kung pasok ka pa sa cut-off na kanila ngayong ipinatutupad.

***

Kung may kata­nu­ngan pa ay tu­mawag lamang sa 8410-7624 o 8922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.