Abante Tonite Interactive

Pagpapatalsik kay Kim inangalan

By
1,046

How true na nagpaabot umano ng reklamo si Xian Lim sa ilang Viva Films bosses hinggil sa sinapit ng rumored gf niyang si Kim Chiu during­ the premiere night ng ngayo’y box-office hit na Miss Granny?

Although hindi na pinalaki ni Kim ang isyung pagpapaalis sa kanya sa upuan ng VIP guests, to the rescue daw si Xian sa tila naging “humiliating experience” ng gf niya. Imposible nga raw kasing hindi nagreklamo si Kim kay Xian lalo pa’t kilala ding mahilig magpa­saring at magtaray si Kim sa mga ganung sitwasyon.

Noong nasa Star Cinema pa nga naman siya, at kahit hindi siya mismo ang big star ng film, kapag daw merong mga ganyang event ay accorded daw ng VIP treatment si Xian. At siyempre dahil mas big star si Kim, sana naman­ daw ay nabigyan din ito ng tamang­ treatment, lalo pa’t special guest niya ito.

Well, the fact na kumikita ang movie ni Sarah Geronimo without such an issue, dapat na rin sigurong manahimik ang kampo ni Xian.
Napanood na namin ang movie na pinilahan namin sa last full show on its third day. Nakakaaliw na nakakaiyak ang mga eksena sa movie at sang-ayon kami sa sinasabi ng lahat na this is Sarah G’s best acted movie to date. Isa na siyang magaling na ma­galing na aktres sa Miss Granny.

Congrats!

Related Posts

***
Young actress nakikitulog sa bahay ng batang aktor

Sino naman kaya itong young actress na madalas nang nakikitulog sa bahay ng kanyang kaibigang young actor? Dun na raw siya tumutuloy ‘pag galing sa trabaho at inaabutan ng malakas na pag-ulan?

Pero bago pa man daw tayo mag-isip nang masama, klarong-klaro na hindi ito solong ginagawa ng young actress. Kasama raw niya ang kanyang tita o relative na karay niya sa work.

Sa isang malayong siyudad outside of Metro Manila nakatira si batang aktres. May basbas ng parents ang pagtulog ni batang aktres sa bahay ng kaibigang aktor (na may relative na sikat na personalidad sa showbiz).

Basta ang malinaw, nangyayari lang ito kapag maulan at baha. Delikadong bumiyahe­ pauwi.
Bawal daw ang maglagay ng malisya sa item na ito dahil mas may edad na babae pala ang gusto ng batang aktor.