Abante Tonite Interactive

Pagpapatawad ni Cherry Pie pinuri ng mga netizen

409

Mapapanood na sa iWant ang bagong dokumentaryo ng ABS-CBN DocuCentral na “Radical Love” na pinuri ng mga manonood sa mahusay na paglalahad nito ng kuwento ng trahedya at pagpapatawad ni Cherry Pie Picache sa pumaslang sa kanyang ina. Ipapalabas din ang doku- mentaryo, na nag-trending pa sa Twitter, sa Hulyo 14 nang 7 pm sa DZMM TeleRadyo at sa Hulyo 15 nang 7 pm sa ANC.

Pinuri ng mga netizen ang dokumentar-yong gawa ng ABS-CBN DocuCentral.
Sabi ni direk Joey Javier Reyes sa isang Twitter post na kahanga-hanga ang ginawang pagpapatawad ni Cherry Pie dahil hindi raw madali ang magpatawad, lalo na sa taong kumitil sa buhay ng isang mahal sa buhay.

Pinuri naman ng Twitter user na si Mond Sikawat ang mga gumawa ng “Radical Love.”

Sinabi ni Cherry Pie na nagdalawang-isip siya sa pagbabahagi ng kanyang kuwento, ngunit nanaig ang kagustuhan niyang matulungan din ang ibang dumaraan sa sitwasyong katulad nito.

“Sana ay maalala natin kung ano ang tunay na pagmamalasakit, walang pasubali na pagmamahal, at pagpapatawad. Sana maalala rin natin na bigyang halaga at respeto ang kahit anong uri ng buhay. Para ito sa aking pamilya at sa lahat ng pamilya ng biktima ng mga matinding krimen,” aniya.

Maaari pang panoorin ang dokumentaryong “Radical Love,” na gawa ng award-winning na ABS-CBN DocuCentral sa online sa iWant.ph o sa iWant app. (RFC)