Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagpapatigil ng e-sabong

0 113

Sa wakas ay nahimasmasan din si Pangulong Rodrigo Duterte at nagdesisyon na ito na ipatigil ang e-sabong sa bansa.

Pinagbasahen ng Pangulo ang naging rekomendasyon ni DILG Secretary Eduardo Año na nagsagawa ng pag-aaral at konsultasyon sa epekto ng online na sugal na ito.

Buti naman at agad ng matitigil ang E sabong dahil napakarami na ang naapektuhan ng pamilya dito sa Pilipinas at maging ang mga Overseas Filipino workers na nagumon sa online sugal na ito.

Nauna dito ay idinepensa pa ng Pangulo ang e-sabong dahil nagbibigay daw ito ng kita sa gobyerno ng tinatayang P 640 Million kada buwan.

Pero kung ating susumahin ang nasabing revenue ng gobyerno sa e-sabong industry ay hindi nito kayang tumbasan ang masamang epekto sa lipunan.

Marami ng mga ulat na menor de edad , OFWs maging ang ilang pulis ay nagumon sa e-sabong na nagresulta ng pagpapatiwakal, pagbebenta ng ari- arian na nagsadlak sa lalong kahirapan at natulak na gumawa ng krimen.

Sana sa susunod na administration matapos ang eleksiyon ay huwag ng buhayin ang e- sabong dahil walang katumbas na salapi ang masisirang kinabukasan ng pamilyang Pilipino.

Kung talagang ibabalik ang e- sabong ay makakabuting gayahin lang ito sa tradisyon ng sabong na idinaraos lang tuwing weekend o pista opisyal sa mga sabungan at huwag gawing 24/7.

Ipagbawal din ang pagtataya sa pamamagitan ng mga e- wallet at kung nais na magsugal ay magpunta na pang sa mga betting stations para mas marami ang makakaiwas sa masamang bisyong ito .

Leave A Reply

Your email address will not be published.