Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagpaslang sa 3 Lumad kinondena ng CHR

0 110

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpaslang ng mga sundalo sa tatlong miyembro ng Lumad-Manobo tribe sa Lianga, Surigao del Sur.

Sa press statement, sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia na ang CHR Regional Office sa Caraga ay magpapadala ng investigation team para magsiyasat sa ‘marahas na kamatayan’ nina Willy Rodriguez, Lenie Rivas, at 12-taong-gulang na si Angel Rivas.

Ala-una ng hapon noong Hunyo 15, nag-aani ng abaka ang tatlo sa kanilang bukid sa Sitio Manluy-a, Barangay Diatagon nang pagbabarilin umano sila, kasama ang ilan pang magsasaka, ng mga tauhan ng 3rd Special Forces Battalion ng Philippine Army. Ayon sa pamilya ng mga biktima, “ang ari ng mga babaeng napaslang ay nagkalasog-lasog.”

SM food to go Banner Ad

Sa ilalim ng International Humanitarian Law (IHL), ani De Guia, “ang prinsipyo ng pagkakaiba sa pagitan ng mga sibilyan at mga mandirigma ay dapat na sundin sa lahat ng oras.” Higit pa rito, ang IHL ay nagbibigay ng proteksiyon para sa mga bata bilang mga indibidwal na hindi nakikilahok sa mga poot at bilang mga tao na partikular na masusugatan.

Habang hinihintay ang mga resulta ng independiyenteng pagsisiyasat, hinihimok ng Komisyon ang gobyerno na magbigay-linaw kaugnay sa insidente at magsagawa ng sarili nitong pagsisiyasat. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.