Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagpaslang sa reporter kinondena

0 198

Mariing kinondena ng Palasyo at ng isang mambabatas ang pamamaslang sa beteranong mamamahayag na si Jesus ‘Jess’ Malabanan nitong Miyerkoles sa Calbayog City, Samar.

Ayon kay Samar Rep. Edgar Sarmiento, labis na kinamumuhian ng mga residente ang karahasang ito sa lungsod na kung saan naging biktima rin ang alkalde nitong si Ronaldo Aquino kamakailan kung kaya’t dapat umanong magsilbi na itong wake-up call para sa mga awtoridad.

“I am calling on the PNP leadership to leave no stones unturned in the investigation of this cold-blooded murder of Malabanan, a Kapampangan who has embraced Calbayog as his home,” banggit niya pa.

Samantala, ayon kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco, walang kapatawaran ang ganitong aksiyon laban kay Malabanan dahil ginawa ang krimen sa panahon ng pandemya. Kaibigan aniya niya si Malabanan at nangako siyang mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.

“This cowardly killing in the midst of a pandemic is truly unforgivable. We will get to the bottom of this and will stop at nothing in bringing to justice the perpetrators of this despicable crime.”

Si Malabanan ay nagsusulat para sa Manila Standard, Bandera at Reuters. Siya ay binaril sa ulo habang nasa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. San Joaquin, Tinambacan District, Calbayog City, Miyerkoles ng gabi. (Eralyn Prado/Billy Begas/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.