Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagpaslang sa SoCot abogado kinakalkal

0 97

Naghain ng resolusyon ang mga miyembro ng Makabayan bloc upang paimbesti­gahan sa Kamara ang pagpatay sa human rights lawyer na si Juan Macababbad sa Sural­lah, South Cotabato.

Sa House Resolution 2223, nanawagan ang mga mambabatas sa House Committee on Human Rights na kon­denahin at pangunahan ang pagsasagawa ng im­bestigasyon sa ambus.

Si Macababbad ay vice chairperson ng Union of Peoples’ Lawyers in Mindanao (UPLM) at miyembro ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL).

Siya ay kasapi rin ng Bayan Muna party-list at aktibo sa pagsa­sagawa ng fact-finding mission sa mga human rights violation, gaya ng pagpatay sa walong indigenous peoples sa Lake Sebu, South Cota­bato noong 2017.

Pinagbabaril si Ma­cababbad noong Setyembre 15 sa labas ng kanyang bahay. Siya ang ika-58 na abogado at ikatlong miyembro ng NUPL na napatay sa ilalim ng gobyer­nong Duterte. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.