Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagpasok ng dayuhang turista pinoporma

0 46

Pinag-aaralan na umano ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang posibilidad na payagan nang makapasok sa bansa ang mga dayuhan.

Sinabi ni Cabinet Secretary at IATF co-chairman Karlo Nograles na alam nila na may mga dayuhan ang gusto na gugulin ang holiday sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay o mapapangasawa dito sa Pilipinas.

Una nang inanunsiyo ng Malacañang na aalisin na ang restriksyon sa mga non-essential outbound travel ng mga Pilipino simula Oktubre 21 subalit kinakailangan pa rin sundin ang mga inilatag na patakaran hinggil sa pagbiyahe patungo sa ibang bansa.

Kung may hawak na tourist visa ang biyahero, kailangan magsumite ng kumpirmadong round trip ticket at sapat na travel at health insurance.

Kailangan din na may nilagdaang deklarasyon sa Bureau of Immigration (BI) na alam nila ang panganib na kaakibat ng kanilang pagbiyahe.

Dapat din umanong negatibo sa antigen test sa loob ng 24 oras bago ang pag-alis base sa guideline at protocol na inisyu ng Department of Health (DOH). (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.