Abante Tonite Interactive

Pagpatay ni mister kay misis buking ng pulis-Malabon

(Part 3)

By
665

Isa sa kapitbahay ng pamilya Chavenia ang welder na si Frank Otella, 59 ang siyang unang lumapit kay Edwin upang sumaklolo subalit nang mapansin niya ang sariwang dugo sa kamay at damit ng lalaki, tinanong niya kung bakit may dugo ang kanyang damit.

Sa halip na sumagot, tumalikod si Edwin at nagmamadaling umalis patungo sa bahay ng isa niyang kamag-anak na si Edna Espedilla na naninirahan din sa naturang din lugar.
Ilang sandali pa ay nakita ni Otella si Edwin at ang kaanak na si Edna na naglalakad patungo sa bahay ng lalaki sa Blk 23 Lot 13 Karisma Village, upang puntahan ang bangkay ni Anali.

Kasalukuyan namang dumadalo sa Barangay Assembly ng Brgy. Panghulo sina PO2 Enerijo Marfil at PO1 Elvin Olisa, pawang nakatalaga sa Malabon Police Community Precinct (PCP) 1, nang lapitan sila ng tumatayong Executive Officer ng barangay upang humingi ng tulong na mapuntahan ang bahay ng pamilya Chavenia dahil sa balitang pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng pamilya at pinatay ang ginang ng tahanan.

Abante Hiring – IT dep

Nakarating na rin sa kaalaman ni Malabon City Police chief Senior Supt John Chua ang pangyayari kaya’t kaagad niyang inatasan si Insp. Paul Dennis Javier, ang hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) na magpadala ng mga imbestigador sa naturang lugar upang magsagawa ng masusing pagsisiyasat.

Isang team ng mga batikang imbestigador na kinabibilangan nina SPO1 Rolando Hernando SPO1 Alexander Dela Cruz, PO2 Roldan Angeles, PO2 Richard Calaycay at PO2 Jose Romeo Germinal ang binuo ni Senior Insp Javier upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa naturang krimen.

Halos sabay na dumating sa bahay ng pamilya Chavenia ang mga imbestigador at ang dalawang tauhan ng PCP-1 na unang hiningan ng tulong ng barangay sa lugar na pinangyarihan ng sinasabing pagnanakaw at pagpatay.

Dinatnan ng mga awtoridad ang bangkay ni Anali na duguang nakahandusay sa pinaka-sala sa ground floor ng dalawang palapag na bahay ng mag-asawa na ginagawa nilang tulugan dahil kasalukuyan pang kinukumpuni o under renovation ang kanilang tirahan na planong dagdagan pa ng isang palapag mula sa salaping ipinapadala ng kanilang anak na seaman.

Maya-maya pa’y dumating na rin ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na silang sumuri sa bangkay ng biktima at kumalap ng iba pang mga posibleng maging ebidensiya na tutukoy kung ano ang ginamit na bagay ng salarin sa pagpatay sa ginang.

Sa mga unang pagsusuri na isinagawa ng SOCO sa pangunguna ni Chief Insp. Avelino Andaya sa katawan ni Anali, nakita ang mga malalalim na tama ng saksak sa kaliwang tagiliran ng biktima na agaran niyang ikinamatay.

Duguan din at may malalalim na sugat sa ulo ang ginang na palantandaang hinataw siya ng sunod-sunod ng matigas na bagay bago siya inundayan ng sunod-sunod na saksak.

Isang malaking tipak ng bato na may bakas ng dugo na posibleng ginamit ng salarin na pang­hataw sa ulo ng ginang ang natagpuan din nina Chief Insp. Andaya sa naturang lugar na kanilang dinala sa PNP Crime Laboratory upang ipasuri at magamit bilang ebidensiya.