Abante Tonite Interactive

Pagpatay sa 5 katao, nalutas ng pulisya sa Pasay

By
694

Batid ng kapulisan na hindi rito magwa­wakas ang ginagawang pamamaslang ng mga riding-in-tandem criminal lalo pa’t nalusutan muli nila ang kapulisan nang paslangin si Torres sa loob ng kanyang barong-barong sa kabila ng isinasagawang pag-TUGIS sa kanila ng iba’t ibang unit ng Pasay city police.

Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay may puwang ang buwenas sa mga salarin para isakatuparan ang patuloy na pagpaslang sa mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga sa lungsod, na ang pinagbibintangan ay mga kagawad ng kapulisan dahil noong Agosto 12, alas-12:45 nang hatinggabi natapos ang kanilang mga kabuktutan.

Nagsasagawa noon ng checkpoint ang mga tauhan ng Pasay Police Community Precinct (PCP) 6 sa kahabaan ng BAC 1-11 Don Carlos Village, Barangay 190 Zone 20 nang mamataan ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na kapwa nakasuot ng bonnet.

Sinenyasan ng mga pulis ang dalawang lalaki na huminto dahil sa hindi pagsusuot ng helmet subalit sa halip na sumunod ay humarurot palayo ang dalawa kaya’t lalong lumaki ang hinala ng mga awtoridad na posibleng sangkot ang mga ito sa illegal na gawain.

Nagsagawa kaagad ng pag-TUGIS ang kapulisan sa dalawang nakamotorsiklong lalaki at nang malapit na silang ma-korner, biglang bumunot ng baril ang dalawa at pinaputukan ang mga humahabol na pulis.

Dito na gumanti ng putok ang mga tauhan ng PCP-9, kasama ang iba pang unit ng kapulisan na nagresulta sa pagkakapaslang sa dalawang lalaking kapwa nakasuot ng bonnet na itim.

Nakuha sa kanila ang dalawang kalibre .45 baril na may mga bala pa sa magazine, isang plastic sachet na naglalaman ng shabu, larawan ng isang babae at karton na may nakasulat na “Tulak ako wag tularan.”

Natuklasan din kalaunan ng pulisya na nakaw ang ginamit na motorsiklo ng mga napaslang matapos lumutang ang may-ari nito at ipinakita sa kapulisan ang kanyang certificate of registration, pati na ang police report na nagpapatunay na tinangay ng mga napaslang na suspek ang kanyang motorsiklo.

Sa masusing pagsisiyasat ng mga tauhan ng SIDMB ng Pasay police, nakilala kalaunan ang nakuhang larawan ng babae na isa sa mga sumuko sa pulisya sa ilalim ng isinasagawang ‘Oplan Tokhang’.

May hinala ang pulisya na nakahanay na ang babae sa papaslangin ng mga suspek lalo pa’t handa na rin ang karatulang ilalagay sa kanyang bangkay.

Nang matapos ang pagsisiyasat ng kapulisan sa katauhan ng dalawang napaslang, isinapubliko na ni Pasay police Chief Senior Supt. Nolasco Bathan noong Oktubre 21, 2016 ang resulta ng imbestigasyon kung saan nakilala ang isa sa da­lawa na si Edwin Ison, 35 at residente ng 2429 P. Villanuea St., Pasay City habang nanatiling hindi kilala ang kasama niya na tinatayang nasa edad na 40 hanggang 45 taong gulang at nakasuot ng bonnet, jacket at maong na pantalon.(Sundan bukas)