Abante Tonite Interactive

Pagpatay sa asawa ni Menchu ‘di umuusad

417

Simula nang mamatay ang kanyang miste­r na si Jose Luis “Sel” Yulo at ang driver nitong si Nomer Santos dahil sa pana­nambang ng dalawang motorcycle-riding gunmen noong Pebrero, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang magaling na theater actress na si Menchu Lauchengco-Yulo, kapatid ng singer na si Raymond Lauchengco.

Ekslusibong nakapanayam namin ang artistic director ng Resorts World Manila tungkol dito.

“I’m okay. I’m taking it one day at a time,” bulalas niya.

Sey pa niya, hang­gang ngayon daw ay clueless pa siya kung sino ang gumawa ng krimen sa kanyang better half at kung ano ang mga motibo ng mga ito.
“No development so far. They’re still looking whoever was responsible,” aniya.

Naniniwala raw naman siyang mabibigyan din ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang asawa.

Aminado rin siyang kailangan niyang magpakatatag para sa kanyang mga anak dahil sa trahedyang naganap. (Archie Liao)