Abante Tonite Interactive

Pagpatay sa mga prosecutor, mediaman iniimbestigahan – Palasyo

By
3,374

Hindi inuupuan ng gobyerno ang kaso ng mga pagpatay sa mga miyembro ng hudikatura. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng panibagong insidente ng pagpatay sa isang hukom sa Camarines Sur noong Martes.

“Itong pagpatay ng mga prosecutors eh tinututukan din natin ‘yan. In other words, ang katungkulan ‘pag may patayan ay imbestigahan at bigyan ng katarungan ang mga biktima at ‘yan po ay puspusang ginagawa ng ating administrasyon,” ani Roque.

Sa kaso naman ng mga napatay na journalist, sinabi ni Roque na mayroong task force na nangangasiwa sa imbestigasyon at paglilitis sa mga pumapatay sa mga miyembro ng media sa pamamagitan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Joel Egco, exe­cutive director ng Pre­sidential Task Force on Media Security.