Abante Tonite Interactive

Pagpatay sa pamilya-Parojinog ‘di inutos ng Palasyo

By
216

Nilinaw ng Malacañang na walang utos si Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang pamilya-Parojinog sa Ozamiz City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na nais lamang ng Pangulo na mapanagot ang mga Parojinog sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.

“No. Killing will only come if they resist arrest, if they do violence to those who are enforcing the law. It means he will pursue to the ends of the earth these criminals until they (Parojinog family) are behind bars. Not necessarily to kill them,” ani Panelo.

Nilinaw din ng kalihim na ang pagpapabalik kay P/Supt. Jovie Espenido sa Ozamiz City ay para matiyak na drug-free ang lungsod at hindi na manumbalik ang illegal drug trade sa lungsod.

“Well if you recall, Espenido was successful in ridding that place of drug lords, those who push drugs. And apparently since his departure, the drug incidence there increased by leaps and bounds. So, the President needs men like Espenido to do the work,” dagdag ni Panelo.