Abante Tonite Interactive

Pagpili sa mga Hall of Famer sinimulan ng PSC

432

Sinimulan na ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) ang proseso para sa muling pagpili sa mga iluluklok sa Philippine Sports Hall of Fame Martes ng umaga sa PhilSports Complex sa Pasig.

Nabuo sa Philippine Sports Hall of Fame (PHOF) 2020 Committee sina PSC Chairman William Ramirez bilang tagapangulo, habang vice-chairman si Phi­lippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino na tinalakay ang mga ­riteria para sa nomination at selection ng mga kandidato para sa mga iluluklok ngayong taon.

“We want to get a good lead time since the selection process is an arduous exercise. We have a lot of athletes truly deserving to be enshrined in Hall of Fame,” paliwanag ni Ramirez nitong Lunes. “We hope to get more nominations this edition.”

Dadalo rin sa pulong ang miyembro ng scree­ning na binubuo nina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Mitra, POC Secretary General Edwin Gastanes, Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling Secretary General Avelino Sumagui, University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Rene Saguisag Jr., at Philippine Olympians Association President Gilian Akiko Guevara.

Ang HOF o ­Republic Act No. 8757 ang nagpaparangal sa mga Pilipinong atleta, coach, at trainor na nagbigay ng kanilang buong kaka­yanan, talino at husay para sa iaangat ng bansa maliban sa pagbibigay dangal at prestihiyo sa lahing Pilipino sa ­kabuuang ng kanilang career at pagpapakita ng mabuting ugali bilang atleta. (Lito Oredo)