Abante Tonite Interactive

Pagplantsa ng bayag atbp.

519

Dear Dra Holmes:
Totoo po bang puwedeng iplantsa ang bayag ng lalake? Hindi po sobrang sakit nun? Bobby

Dear Bobby:
Maraming Salamat sa sulat mo. Hindi sobrang sakit ang pro­seso nang pagplantsa ng bayag ng lalaki dahil hindi talaga ito ginagawa. Eto ay isang biro ni George Clooney, isang kilalang actor sa Amerika. Sinabi niya ‘yun bilang pagpuna (criticism) nang walang kabuluhan at kababawan ng Hollywood, lalo na sa pagsama nila sa kabataan.

Hindi po ba, Bobby, ang bayag ay parang kulubot ang itsura? Siyemre, okay na okay ‘yun, lalo na dahil may dahilan na kulubot siya?

Pero dahil gusto bigyan ng diin ni George Clooney ang kababawan ng Hollywood, nagbiro siya na ayaw na ayaw ng Hollywood ng mukhang matanda (kagaya ng kulubot na mukha o bahagi ng katawan) na handa nilang iplantsa ang bayag ng lalake para mawala ang kulubot para magmukhang bata, etc.

Pero ang talagang nakakatawa dun ay may mga naniwala kay George Clooney! Ang isang spa ay nag-alok ng isang pamamaraan, para matanggal ang buhok, kulubot at na­ngingibang kulay ng ari at bayag ng mga lalake. Mahalagang malaman na walang mga orga­nisasyon na medical ang sumuporta nitong pampapabata ng ari at bayag ng lalake (scrotum rejuvenation).

***
Dear Dra. Holmes:

Totoo po bang maaaring “masira” ang ari ng lalake?
Jesse

Dear Jesse:

Ikinalulungkot ko na oo, maaari itong mangyari pero bihirang-bihira itong mangyari kaya sana huwag ka­yong sobrang mag-alala. Kahit na walang buto ang ari ng lalake, mayroon itong mga kamara (chambers) na napupuno ng dugo kapag nakatindig ang ari ng lalake. Kung itulak ng sobra ang ari o liko ng masyadong malayo (if you push it too hard or bend it too far), maaa­ring masira ang ari ng lalake. Ang isa pang maaaring mangyari ay kung kung napadulas ang ari mo habang nasa loob ka ng ari ng babae at natamaan ng malakas sa katawan ng partner mo maaari kang makarinig ng popping sound,” kasama ng sobrang sakit na mararamdaman mo. Pagkatapos maaaring mamaga at malamog ang iyong ari. Ang pagtitistis (surgery) ang pinakama­buting pamamaraan para maayo ito.

Sana huwag mo kalimutan, dearest Jesse, na bihirang-bihira itong mangyari, kaya hindi pa panahon mag-alala ng sobra. Ingat—MG Holmes
***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.