Abante Tonite Interactive

Pagpupugay sa mga frontliner

351

Ika-21 araw na ngayon ang patuloy na paglaban ng bansa at ng mundo sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kaya po isang simple ngunit tapos sa pusong pagpupugay sa lahat ng mga frontliner sa buong bansa at sa iba pang ng daigdig.

Napakahirap lumaban sa isang giyera na hindi mo nakikita ang kalaban at mistulang bulag ang mga frontliner. Saan nila sisimulang sugpuin o tutukuyin ang ugat ng pinagmumulan ng nakakahawang virus na nagdulot takot sa mundo.

Kaya naman po kakaiba ang ating paghanga sa ating mga doctor, health worker, militar, pulisya at volunteer na nasa harap mismo ng panganib at itinataya ang kanilang buhay para sugpuin ang virus at mailigtas o masagip ang mas marami nating kababayan sa pandemic.

Walang nakakaalam kung kailan tuluyang mapipigil o masusugpo ang nananatiling walang gamot na sakit bagaman magagawa marahil na mapigil o tuluyang malimitahan ang paglawak nito sa pakikipagtutulungan ng ating mga health workers at pagsunod sa mga pamamaraaang isinasagawa kontra sa virus.

Hindi nagpapahuli ang komunidad ng electronic sports o eSports sa buong mundo sa pagtulong sa kanilang sariling paraan sa pagsasagawa ng mga online tournament na ang mga maiipong pondo ay para sa mga frontliner.

Isa na si Marco Asensio ng Madrid na lumahok at nanguna sa online fundraising football tournament.

Dito sa bansa ay tumulong din ang kompanya sa eSports na Mineski Global para sa isang charity drive sa paglunsad sa ginanap na Lockdown Games noong Marso 24.

Nakalikom ang Mineski Global ng mahigit na P460,000 mula sa lumahok na players, partner sa eSports at pati na sa mga viewer ng MineskiTV Facebook channel.

Ilan sa tumulong sa Mineski Global na maabot ang P1M na ibibigay sa mga hospital ay sina PBA stars at avid gamers June Mar Fajardo, Jean Marc Pingris, Japeth Aguilar, at Kiefer Isaac Ravena. Ang apat ay nakatakdang maglaro sa DoTA 2 showmatch ngayong araw, Abril 6.

Suportahan po natin at tulungan ang mga gawaing tulad nito para makatulong sa ating mga kababayang frontliner tulad din sa pagmahahal natin sa ating kalusugan at kalinisan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad