Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagpuslit ng yosi buking sa Sulu

0 82

Narekober ng pinagsanib na pwersa ng militar at coast guard ang kahon-kahong sigarilyo na tinangkang ipasok nang iligal sa Sulu.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng joint riverine patrol, ang 6th Special Forces Battalion at ang Philippine Coast Guard, nang maharang ang dalawang bangka sa Minis Island, sa Brgy. Latih, Patikul, Sulu, nitong Lunes ng umaga.

“The boats were loaded with smuggled cigarettes bound to Zamboanga City,” sinabi ni Brig. Gen. William Gonzales, JTF Sulu Commander.

Aabot sa 16 na sakay ng mga bangka ang inaresto nang hindi makapagpakita ng kaukulang travel permit. Agad silang dinala sa PCG Sulu para sa mas imbestigasyon.

Binati naman ni Maj. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Western Mindanao Command ang mga tauhan dahil sa pagkakabisto sa tangkang smuggling. Aniya pa, “Rest assured that our troops will continue to support other law enforcement agencies in curbing illegal activities in our area of operation.” (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.