Abante Tonite Interactive

Pagrebisa sa GCTA 50% complete na

0 138

Inaasahan na dalawang linggo na lamang ang hihintayin para matapos ng Joint committee ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagrerebisa sa uniform manual ng RA 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ayon kay DOJ Undersecretary Deo Marco, na pinuno ng joint DOJ-DILG committee na nagsasagawa ng rebyu, 50% na ang nakukumpleto sa ma­nual.
Ginawa ang rebyu makaraang lagdaan ng DOJ at DILG ang nirebisang implemen­ting rules and regulation (IRR) ng nasabing batas.

Idiniin ni Marco na bagaman mahirap ay wala namang nangya­ring paglaktaw ang joint committee sa pagrebyu ng nasabing manual.

“Dapat lang in accordance with the IRR,” ayon kay Marco.

Dagdag pa ni Marco, “Although mas ma­dugo ito kasi mas specific na nilalagay namin, ‘di tulad sa IRR we can be general.”

Matatandaan naman na 60-araw ang ibinigay sa joint committee para reviewhin ang IRR. (Lorraine Gamo)