Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagrehistro ng e-scooter, e-bike ayaw ni Tugade

0 101

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na wala pang opisyal na guidelines at nirerepaso pa ang mungkahi ng Land Transportation Office (LTO) na iparehistro ang mga e-scooter at e-bike.

Subalit kung si DOTr Secretary Arthur Tugade ang tatanungin, sinabi nito sa panayam sa radyo na hindi siya pabor iparehistro pa ang mga e-scooter lalo ngayong nahaharap sa pandemya ang bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Yong rehistro ng mga sasakyan pinostpone natin. In-extend natin. Eh bakit ngayon pati e-scooter gagawing motorsiklo? Tingnan natin ang malawak na pananaw diyan. Pandemiya ho ngayon ito,” pahayag ni Tugade.

Subalit pakikinggan din umano ng kalihim ang opinyon hinggil dito ng mga regulator at stakeholder.(PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.