Abante Tonite Interactive

Pagreretiro ni Sharon mauudlot

0 395

Mukhang malabong matupad ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang sinabing magi-slow down na siya sa kanyang showbiz career. Sunod-sunod na projects ang dumarating sa kanya ngayon.

May dalawa siyang movie na nakatakdang gawin sa kanyang dating home studio, ang Viva Films at isa sa Star Cinema. Meron din umanong offer sa kanya ang Regal Films plus a teleserye. Meron din siyang gagawing concert tour kasama si Regine Velasquez para sa kanilang “Iconic” concert. Magiging judge din siya ng bagong season ng “Your Face Sounds Familiar – Kids”.

Relasyong LizQuen ipinaglaban sa ama

Inamin ni Liza Soberano na 17 siya nang maging kasintahan si EnriqueGil. Ipinaglaban umano niya ito sa kanyang ama.

Limang taon na ngayong magkasintahan ang dalawa na nagsimula sa set ng kanilang unang TV series, ang “Forevermore” in 2014.

Sina Liza at Enrique ay magkasamang nag-celebrate ng Christmas holidays sa Amerika with Liza’s family.

Since may dalawang branch na ang spa business si Liza, plano naman nila ni Enrique na magtayo ng resort wellness spa sa loob ng taong ito. Paghahanda na rin siguro sa kanilang magiging future.