Abante Tonite Interactive

Pagrereyna ni Regine delikado sa Dos

3,157

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioClueless raw si Julie Anne San Jose tungkol sa napipintong paglipat ni Regine Velasques-Alcasid sa Mother Ignacia station. Walang masama kung sakaling clueless siya kasi nga, kahit pa siguro tanungin natin ang lahat ng mga artista o mang-aawit na malapit o tunay na kaibigan ni Ateng Chona, lahat sila walang malay at talaga namang wala silang pakialam dahil nga tanging siya lamang ang may alam kung ano ang tunay na mainam para rito.

Dudurugin ba natin ang Asia’s Songbird kung sakaling she wants to spread her wings to fly sa kabilang istasyon na halos lahat of the best singers ay kasalukuyang naninirahan, kinakandili at minamahal bilang Kapamilya?

Dudurugin ba natin ang pagkatao ni Ate Reg na alam naman nating for the longest time eh super loyal bilang Kapuso? Wala ba siyang karapatan maghangad at manalig na maraming bagong possibilities na puwede niyang gawin kung siya ay ka-Dos na?

Abante Hiring – IT dep

Dudurugin ba natin ang nag-iisang Mrs. Alcasid at sasabihin sa kanyang siya na nga lang ang tunay na reyna sa ka-Siyete tapos papayag siyang maging one of those singers lang sa network na sampu-sampera na ang mga pretenders to her throne and reign?

Kung ikaw ay talagang nagmamahal kay Regine Velasquez, kung sakaling mananatili siya bilang Kapuso o ma­ging bagong Kapamilya, patuloy pa rin ang iyong suporta. Dapat masaya ka sa mga desisyon niya. Hindi na spring chicken ang Inay Chona, bago iyan magpasya, tiyak puso at utak niya ang kanyang ginamit sa pagtitimbang nito.

Kaya nga go for gold and continue to shine like a diamond Regine, kahit saang network ka pa, ang diva that you love, tunay na love, love, love ka.

Myrtle nanghinayang kay Luigi

Tres ang pamagat ng pelikulang pinagbibidahan ng third generation of the Revillas, ang magkakapatid na sina Jolo Revilla, Bryan Revilla at Luigi Revilla.

Basing these from its kick ass trailer, walang dudang high octane at testosterone infused ang action elements sa three-in-one flick na mapapanood sa mga sinehan ngayong Oktunbre 3, ang ‘Virgo’, ‘Amats’ at ‘72 Hours’ na ang alam mo’y hindi nagtipid dahil nga ang daming pinapasabog at parang hitik na hitik rin ito sa magagandang kuwento.

What I like most about this new Revilla trio con brio, ‘yung kanilang affection, love at respeto na kanilang ibinibigay sa kanilang Lolo Ramon at Papa Bong Revilla.

‘Pag tinatanong ang tatlo tungkol sa dalawa, alam mong they highly regard and love their abuelo at tatay.

Ang millennial beauty and brains Myrtle Sarrosa, kasama sa pelikulang Amats, being dalagang inosente na head over hills sa katauhan ni Luigi.

Sabi ni Myrtle. “May future talaga siya sa action genre. Mabait, sobrang humble pa. He comes from a place na hindi pa siya showbiz.” Guwapo ba para sa kanya si ­Luigi? Mabilis na sagot ni Sarrosa, “Yes! He is real­ly handsome. Gusto ko rin ang smile niya. Mas endearing siya tignan ‘pag ngumiti.”

Ang bukod-tanging pinanghihinayangan ni Myrtle sa kanilang pagsasama ni Luigi, “Wala kaming kissing scene eh, baka sa susunod na pelikula na lang. Hahaha!”