Pagsabog ng Bulkang Taal ‘di pa tapos

505

Bagama’t ibinaba na sa alert level 3 ang Taal Volcano ay hindi pa rin umano dapat na maging kampante ang mga opisyal ng mga local government unit (LGU) sa Batangas at Cavite, gayundin ang Philippine National Police (PNP) at iba pang public safety unit, at sa halip ay manati­ling mapagbantay at magsagawa ng mga precautionary measure sakaling bigla na namang pumutok ang bulkan.

“Ayon na rin sa PHIVOLCS, kahit na ibinaba na ang alert level, hindi pa rin tayo dapat maging kampante. The crisis is not over. It’s over when there is no longer any alert level,” giit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año.

“Maging handa at listo pa rin tayo sa anumang puwedeng mangyari para masigu­ro ang kaligtasan ng ating mga kababayan,” paalala ng kalihim.

>

Nauna rito, pinayagan na ng mga awtoridad ang mga evacuee na makauwi ng kani-kanilang mga tahanan kasunod nang pagbababa ng alerto ng bulkan, na nangangahulugang nabawasan na ang posibilidad na magkaroon pa ito ng hazardous explosive eruption, bagama’t hindi pa naman kasama sa mga pinapayagang makauwi ang mga nasa loob pa rin ng 7-kilometer danger zone ng Taal.

Gayunman, hindi umano ito nangangahu­lugan na tapos na ang pag-aalburoto ng bulkan o tuluyan nang nawala ang banta nang muling pagputok nito. (Dolly Cabreza)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...