Abante Tonite Interactive

Pagsabog ng mga bulkan ‘di pa katapusan ng mundo — scientist

0 452

Pinawi ng isang scientist ang agam-agam na malapit na ang pag­huhukom at katapusan ng mundo dahil sa pagpuputukan ng mga bulkan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Si Robin Andrews, doctor ng experimental volcanology, ang nagsabi na naglalabas lamang ng kanyang init ang planetang earth.

“Eruptions are a pretty neat way for the pla­net to cool down, which is why they are always taking place. That’s really all there is to it – it’s just our pale, blue dot attempting to chill,” ayon kay Andrews.

Sinabi pa ni Andrews na ang earth ay ‘geologically active’ dahil naglalaman ito ng dalawang pinanggaga­lingan ng internal heat.

Ito ay iyong radioactive elements at primordial embers na nanatili sa planeta may 4.5 bilyon taon na ang nakakalipas.

Nabatid na sa blog na Volcano Disco­very nailathala may 26 pagsabog ng mga bulkan ang nangaganap sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang na ang Taal Volcano at may 13 pa ang mayroon naitatalang volcanic activity. (Juliet de Loza-Cudia)