Abante Tonite Interactive

Pagsabog sa Antipolo: 2 nadale

By
470

Dalawang sibilyan ang sugatan makaraang hagisan ng hindi pa mabatid na uri ng pampasabog ng isang lalaki na sakay ng tricycle kahapon sa Sitio Calumpang, Barangay San Jose, Antipolo City.

Ayon kay P/Supt. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo City police, inaalam pa kung granada o pillbox ang inihagis ng suspek sa mataong lugar.

Nagtamo ng sugat mula sa shrapnel ng pampasabog ang dalawang hindi pa nakikilalang biktima na nasa maayos na ang kalagayan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Antipolo Police kaugnay ng insidente.