Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsalakay sa bahay ng media man, kinondena

0 118

Kinondena ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) Intelligence Unit at Malolos City Police sa bahay ng isang mamamahayag noong gabi ng Miyerkoles dahil sa umanoy iligal na paghawak ng mga baril.

Nabatid na bandang alas-7:30 ng gabi nang salakayin ang bahay ni Orlan Mauricio, correspondent ng Manila Standard at lifetime member ng NPC sa 43 Golden St. Felicisima Village at nakatira sa 44-Cocoon Resort Green Street, Felicisima Village Barangay Mojon, Malolos City.

Armado ng dalawang search warrant na inisyu ni Hon. Presiding Judge Nemesio Manlangit, MTC Branch 2, City of Malolos, Bulacan, sinugod noong Sept. 23, 2020 dahil sa iligal na paghawak ng mga baril o Paglabag sa Seksyon 28, RA 10591 ang anak ni Mauricio na si Oliver Paul Mauricio.

“In the strongest possible term, the complicity, wittingly or unwittingly, of the Bulacan Police under Col. Lawrence Cajipe, and the local municipal court, over their participation in the flagrant violation of the civil rights of Mauricio for political ends,” pahayag ni NPC vice president Paul Gutierrez sa kanyang social media post.

Walang nasamsam na baril maliban sa 2 gunting; lighter; burner; aluminum foil na may mga residue ng hinihinalang “shabu”; crumpled aluminum foil at isang jumbo roll ng aluminum foil na sinasabing nakita ng mga operatiba sa isang printing office sa loob ng compound.

Sinabi naman ni Mauricio na ang `nakuhang’ mga ebidensya ay `planted’ kung saan kakasuhan din nito ang sumalakay na pulis dahil ilan sa mahahalagang bagay sa compound ay nawawala. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.