Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsalba sa mga barangay na sinakop ng NPA, hinirit

0 274

MARIING nakiusap ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga mambabatas at ibang sektor na unawain ang kahalagahan ng Barangay Development Program (BDP), na ang layunin ay isalba ang mga barangay mula sa pagkakalugmok dulot ng pananakop ng New People’s Army.

Ginawa ni NTF-ELCAC Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon ang apela matapos ang sunod-sunod na pagbabanta ng mga senador at kongresista na tatanggalan ng budget ang ahensiya dahil umano sa red-tagging activities ng ilang miyembro.

Ayon kay Esperon, nagpapasalamat ang buong NTF-ELCAC sa Kongreso dahil sa pagbibigay nito ng P16.44 bilyon para sa BDP ngayon 2021.

“As the Vice Chairman of the NTF-ELCAC, I take cognizance of the pronouncements not just of our good Senators and honorable Representatives in Congress but also of the calls of the general public elsewhere on the BDP,” ani Esperon.

“Allow me to reassure the public that the package of programs under the BDP are released following the stringent evaluation of the government agencies concerned,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, nasa 522 barangays na ang nakapagsumite ng mga proyekto sa Department of Budget and Management (DBM).

Mula sa bilang na ito, may 483 barangays na ang naaprubahan at nakahanda na ang paglalabas ng pondo na aabot sa P9.66 bilyon.

Nilinaw ni Esperon na ang pondo ay hindi cash na ibibigay sa mga lokal na pamahalaan kundi sa pamamagitan ng proyekto gaya ng farm-to-market road, school building, water sanitation, health station at livelihood projects.

Aabot sa 822 barangays sa buong Pilipinas ang mabibigyan ng tig-P20 milyon para sa taong 2021 sa ilalim ng BDP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.