Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsalba sa OFW at mga atletang binagyo

0 135

Sa kabila ng mga negatibong kaganapan sa buong mundo, hindi talaga maaring maaaring matabunan ang magagandang hakbang na ginagawa ng pamahalaan.

Katulad na lamang ng pagtulong sa isang overseas Filipino worker (OFW) na nakauwi ng bansa matapos maipanalo ang kanyang kaso sa panggagahasa ng isang pulis sa Kuwait, walong taon na ang nakalilipas.

Muling nakasama ni Marites Torijano ang kanyang pamilya sa Pilipinas matapos ang walong taong paninirahan sa Migrant Workers and Other Filipino Resource Center habang hinihintay ang kahihinatnan ng kanyang reklamo.

Siyempre lahat ng ito ay dahil sa inisyatibo ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Labor sa ilalim ni Secretary Silvestre Bello III katuwang ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) at ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait.

Imagine 8 taon bago nakalaya ang ating kababayan at mabuti na lang dahil natutukan ito ng gobyerno.

Hindi lang kalayaan ang nakamit ng ating kababayang itago natin sa pangalang Torijano dahil nakasingil rin ito ng danyos na maaring magagamit nya sa kanyang pagsisimula ng buhay.

***

Another good news pa tayo. Patungkol ito sa pagkilala sa mga atletang Pinoy na tumulong sa mga kababayan nating apektado ng COVID-19 at ng katatapos na kalamidad na nagdulot ng matinding pagbaha bunsod ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Kamakailan ay binigyang pagkilala ni Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano ang mga atletang Pilipino dahil kanilang pagtulong sa ating mga kababayan.

Related Posts

Katulad na lamang ng volleyball community na nagsagawa ng mga auction ng kanilang personal na gamit, gaya ng mga jersey para makalikom ng pondo para sa mga frontliner at kapwa atleta.

Ang mga coach, ball boy, volleyball official, at trainer na nawalan ng trabaho dala ng community quarantine ang kanilang sinaklolohan.

Naging bahagi si Cayetano sa aktibidad kung saan ay nagana pang handover ng mga bagong bisikleta sa mga atleta ng Sepak Takraw at volleyball na naglaro sa SEA Games. Namahagi rin siya ng mga grocery pack at bicycle accessory sa mga rider mula sa Barangay Tipas sa Taguig City.

Ginamit na rin ni Cayetano ang pagkakataon para kilalanin ang kabayanihan ni Elly Jan Nituda, dahil sa pag sagip ng ilang biktima ng mataas na baha sa Marikina

Si Nituda ay isa sa nakatanggap ng bronze medallist sa Sepak Takraw noong 30th SEA Games. Isa si Elly sa mga nakatanggap ng bagong bisikleta mula Kay Rep. Cayetano.

Tinulungan ni Nituda ang Pilipinas Sepak Takraw Federation Secretary General na si Irene Tanchanco at ilan sa kaniyang mga kapitbahay sa Provident Village, Marikina noong nagkaroon ng matinding pagbaha dito sanhi ng bagyong Ulysses noong Nobyembre 11 at 12.

Nais ng kongresista na ipagpatuloy ng mga atletang lumahok sa SEA Games ang “bayanihan spirit” na naumpisahan noong kompetitisyon, lalo na ngayong mayroong kinakaharap na pagsubok ang bansa, “paraan natin ito upang pasalamatan ang ating mga atleta na nagsisilbing inspirasyon sa ating kabataan at nagpapakita ng pagsusumikap upang ma-improve ang kanilang performance sa kabila ng pandemya”.

Ayon kay Cayetano, nais niya ring ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa mga atleta at gawin itong mga “champion of bike advocacy” na siyang isinusulong ngayon sa Taguig.

Bilang bahagi ng promotion sa paggamit ng bisikleta bilang isang viable mode ng transportasyon at magandang paraan upang manatiling malusog, nagtayo ang Taguig ng mga bike lane sa Cayetano Boulevard at Bayani Road at gayundin sa C6 Road.

Leave A Reply

Your email address will not be published.