Abante Tonite Interactive

Pagsara ng Batasan tunnel, ipinagpaliban

298

Ipinagpaliban muna ang pagpapasara ng tunnel sa Batasan Hills sa Quezon City na siyang magbibigay-daan sana sa pagkukumpuni ng ginagawang Metro Rail Trasit Line 7 (MRT-7).

Ayon sa Traffic Task Force ng MRT-7, hindi muna itinuloy ang ‘closure’ sa nasabing tunnel na dapat ay sisimulang isara kamakalawa ng gabi hanggang June 17, 2019.

Wala namang ibinigay ang pamunuan ng Traffic Task Force na dahilan kung bakit hindi itinuloy ang closure sa tunnel.

Sa ngayon ay nananatiling nadaraanan ng mga motorista ang tunnel hanggat wala panibagong abiso na ibinibigy ng Task Force.

Sa oras na ituloy ang pagsasara, ang mga motorista na galing sa IPB Road na patungo ng Elliptical Road ay kakanan sa Commonwelth Avenue at mag-U-turn sa bahagi ng COA Road.

Siniguro naman ng MRT-7 Task Force na magbibigay sila ng ‘update’ at panibagong anunsiyo sa oras na ma-tuloy ang pagsasara ng tunnel. (D­olly Cabreza)