Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsasanib ng PSL, PVL sa 2021 pa

0 298

Malamang na sa papasok pang taon matutuloy ang pagsasanib ng may walong taon ng Philippine SuperLiga (PSL) at nakakaapat na taon ng Premier Volleyball League (PVL).

Ayon sa isang source kahapon, plano ni PVL president Richard Palou na maisalba ang isang conference ng PVL sa taong ito, depende sa basbas ng Inter Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases dahil naka-General Community Quarantine pa rin ang Metro Manila sanhi ng COVID-19.

Nakailang meeting na sina Palou at PSL officials Philip Ella Juico (chairman) at Adrian laurel (president) noong 2019 para magkaroon muna ng Unity Cup bago ang pag-iisa ng liga. Pero dahil sa pandemiya hindi pa maidaos ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.