Abante Tonite Interactive

Pagsasara ng Dos sakto sa b-day ni Enrique

623

Habang papalapit nang papalapit ang araw na kinatatakutan ng lahat ng Kapamilya at ito ay ang pagtatapos ng prankisa ng ABS-CBN network, kanya-kanya na ring komento at reaksyon ang maririnig mo mula sa Kapamilya stars.

Marami na rin sa kanila ang nagpahayag ng kani-kanilang opinyon tungkol dito at kabilang na rito si Liza Soberano nang matanong sila ni Enrique Gil tungkol dito.

Sinasabing hanggang March na lang daw ang lisensya ng ABS-CBN at sabi ni Quen, eksaktong birthday pa naman daw niya ang sinasabing date ng pagtatapos ng ABS-CBN which is March 30, 2020.

Si Liza ang unang nagbigay ng reaksyon at aniya ay naniniwala raw siyang understanding naman ang ating Presidente Rodrigo Duterte.

“I believe that he’s understanding, I believe, and alam niya namang maraming maapektuhan. It’s not just the company itself but all the employees, and I’m sure, he has a generous heart and understanding heart.

“So, I hope he wakes up one morning and he thinks about it again and maging bukas ang puso niya sa lahat ng smaller employees na nangangailangan ng trabaho,” pahayag ni Liza na pinalakpakan ng entertainment press at ng mga fan na naroroon. Maging si Quen ay napapalakpak sa pang-beauty pageant na sagot ng girlfriend.

Sammie binenta ng magulang sa ‘cybersex’

Masayang-masaya ang Kapamilya singer/dancer na si Sammie Rimando ng GirlTrends dahil finally ay mapapanood na siya sa kanyang first ever lead role sa “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado.

Sa episode titled ‘Cyberbugaw’, gagampanan ni Sammie ang papel na Kriza na ibinenta ng mga magulang sa cybersex at prostitution para kumita ng pera sa kanilang pamilya.

“Pinilit ako ng mga magulang ko na makipag-cybersex sa iba’t ibang mga lalaki,” ang deskripsyon ni Sammie sa kanyang role.

Kapareha naman ni Sammie rito si Ryle Santiago ng Hashtags na lagi rin niyang kasama sa “It’s Showtime” kaya kumportableng-kumportable raw sila sa taping.

Mula sa direksyon ni Eduardo Roy, Jr. kasama rin nina Sammie and Ryle sina Sharmaine Suarez, Allan Paule at marami pang iba.