Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsasara ng Duty Free sa probinsya kinansela

0 477

Kinansela ng Duty Free Philippines Corporation (DFPC) ang plano nitong tuluyang pagsasara sa mga airport store sa mga probinsya matapos tumamlay ang kanilang operasyon bunsod ng Covid-19 pandemic.

Ayon sa isang pahayag ng DFPC, nagbago ang kanilang plano at hindi na nila itutuloy ang pagkandado sa mga provincial store nila sa mga paliparan sa Bacolod, Davao, Iloilo, Clark, Kalibo dahil sa pagluwag
ng mga travel restrictions sa ilalim ng ipinatutupad ngayong general community quarantine (GCQ).

“After two weeks of situational assessment, the Management, thru its Memorandum dated June 15 2020, decided to indefinitely postpone the permanent closure of the above mentioned outlets trusting that normalcy will be regained sooner,” ayon sa pahayag.

Aminado ang DFC na umaasa sa turismo at bugso ng mga pasahero ang daloy ng kanilang operasyon kaya napilay sila sa krisis na dala ng pandemya. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.